^

Bansa

Ibon-Ebon festival sa Feb. 3-4

- Ni Rudy Andal -

CANDABA, Pampanga, Philippines — Inihayag ni Mayor Jerry Pelayo na handang-handa na ang local go­vernment at mga residente para sa pagdiriwang ng kanilang Ibon-Ebon festival mula Feb. 3-4.

Sinabi ni Mayor Pelayo, ang aktibidad para sa taong ito ng Ibon-Ebon festival ay inaasa­hang dadayuhin ng foreign at local tou­rists.

Kabilang sa mga aktibidad sa taong ito, wika pa ni Pelayo ay, Feb. 1 – Harvest fest, (Ba­rangay Salapungan) at Grand dress rehear­sal ng main street dan­cers (Poblacion); Feb. 2 – Trade fair and tiangge, (Poblacion) at Jamming with “Ibon” dancers (Genuino Park).

Bukod dito, paliwanag pa ni Mayor Pelayo, ang grand street dancing parade, mula Poblacion patungo sa Ms. Earth Park sa Barangay Mandasig; bird watching, (Dona Simang Wildlife Reserve); river cruise, (Pampanga River); kite flying, (Barangay Mandasig) at concert ng Sandwich Band; (East Park in Barangay Bahay Pare) sa Feb. 3.

Idinagdag pa ng alkalde, ang highlights ng pagdiriwang ay ang street dancing sa Barangay Pulongplazan patungong Bahay Pare; “itik” cooking contest, itik race, best itik dressed contest at free concert by SpongeCola (Ms. Earth Park in Barangay Mandasig). Magkakaroon din ng dragon boat race sa Feb. 5

Inimbitahan din ni Mayor Pelayo si Tourism Sec. Ramon Jimenez upang maging panauhin sa taunang Ibon-Ebon festival sa Feb. 3 na ang layunin ay lalong pala­kasin ang turismo sa Pilipinas.

Ang unang Ibon-Ebon festival ay naganap noong 1 and 2 in 1998 at kinilala bilang isa sa national festival ng bansa, wika pa ni Mayor Pelayo.

BAHAY PARE

BARANGAY BAHAY PARE

BARANGAY MANDASIG

BARANGAY PULONGPLAZAN

DONA SIMANG WILDLIFE RESERVE

EAST PARK

FEB

IBON-EBON

MAYOR PELAYO

MS. EARTH PARK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with