Tan bagong PCG chief

MANILA, Philippines - Itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III si Rear Admiral Edmund Tan bilang bagong pinuno ng Philippine Coast Guard (PCG).

Si Tan ay papalit sa iiwanang puwesto ni Admiral Ramon Liwag na ngayon ay nagdiriwang ng kaniyang ika-56 na kaarawan, ang mandatory retirement age para sa mga nasa armed service ng gobyerno.

Ang tubong Dumaguete City na si Tan ay miyembro ng Philippine Military Academy Class 1980 at kasalukuyang vice commandant for operations ng ahensiya.

Ngayon gaganapin ang turn-over of command sa headquarters ng PCG sa Roxas Boulevard, lungsod ng Maynila.

Show comments