Oil price binawasan

MANILA, Philippines - Mula ngayong Linggo, Enero 22, binawasan ng Eastern Petroleum at ng Flying V Petroleum Corp. nang P0.20 bawat litro ang presyo ng premium gasoline.

Ang sa regular gasoline naman ay ibinaba nang P0.40 bawat litro habang ang diesel products ay P0.80.

Habang isinusulat ito, wala pang ipinahahayag na pagbabago sa lokal na presyo ng langis ang malalaking kumpanyang Chevron Philippines, Petron Corp. at ang Pilipinas Shell Petroleum Corp. pero inaasahang gagawin nila ito ngayong Lunes.

Show comments