^

Bansa

Sisterhood ng Valenzuela at Narvacan pinagtibay

-

MANILA, Philippines - Lumagda kamakailan sa isang sisterhood agreement ang City of Valenzuela at Municipality of Narvacan para lalong mapalawak ang mutual attainment sa socio-cultural, technological at economical development ng dalawang lokalidad.

Ang kasunduan ay nilagdaan nina Mayor Sherwin T. Gatchalian ng Valenzuela City at Mayor Zuriel S. Zaragosa ng Narvacan, Ilocos Sur sa selebrasyon ng Bagnet Festival nung nakaraang buwan.

Pangunahing layon ng pagkakatatag ng natu­rang kasunduan ay upang i-promote ang favorable partnership at cooperation sa pagitan ng dalawang local government units at kanilang mga nasasakupan.

Pinagtibay ang kasunduan sa Valenzuela City sa pamamagitan ng City Resolution 173, Series of 2011 na iniakda ni 1st District Councilor Marlon Alejandrino.

Sa pananaw ni Mayor Win, ang ugnayan ng dalawang lungsod ay isang matibay na daan para maibahagi ng bawat lokalidad ang pinakamagagandang proyekto at programa gayundin ang pagpapadami ng kani-kanilang yaman.

Sa talumpati ni Mayor Win sa Bagnet Festival, sinabi nitong natutuwa siya sa kakayahan ng munisipalidad na i-promote ang kultura kagaya ng mga fiesta na nagbigay pag-asa sa alkalde para mapaangat ang antas ng turismo sa lungsod ng Valenzuela.

Ang Narvacan ay first class municipality sa Ilocos Sur habang  ang Valenzuela City ay highly-urbanized city sa Metro Manila na umani ng  pagkilala dahil sa pagiging best-governed city sa talaan ng Department of the Interior and Local Government.

vuukle comment

ANG NARVACAN

BAGNET FESTIVAL

CITY

CITY OF VALENZUELA

CITY RESOLUTION

DISTRICT COUNCILOR MARLON ALEJANDRINO

ILOCOS SUR

MAYOR WIN

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with