MANILA, Philippines - Nangangamba si Sarangani Governor Miguel Dominguez na sa loob ng 10 taon ay nanganganib na muling mapag-iiwanan ang ating bansa sa buong Asya kung ang pambansa at lokal na pamahalaan ay magpapahiwatig ng maling senyales sa mga dayuhang imbestor.
“If the national and the local government continue to be inconsistent in interpreting laws that affect investments, these investors will just turn to other countries”, wika ni Dominguez.
Reaksiyon ito ni Dominguez sa tanong ng media kaugnay sa epekto ng panlalawigang ordinansa sa Zamboanga del Norte at South Cotabato ang patuloy na banta sa dayuhang pamumuhunan sa naturang mga lalawigan, partikular sa pagmimina.
“The national governments should once and for all say whether it is a yes or a no to open-pit mining”, ani Dominguez na ipinaalala na isa lamang tayo sa daan-daang mga bansa na naghahanap ng pamumuhunan at ang mga investor ay may opsiyon na magnegosyo na lamang sa ibang lugar.
Sinabi ni Dominguez na sa industriya pa lamang ng pagmimina, ang aksiyon ng Zamboanga del Norte at South Cotabato na magpasa ng mga ordinansang kontra sa pambansang batas ay lumikha ng “negatibong imahe” para sa bansa.
Maling akala na kapag umalis ang mga dayuhang investor, may ibang papalit na mamumuhunan dahil natural lamang na mas pipiliin nila na magpunta sa mga bansang may paninindigan sa interpretasyon ng mga batas.
“Let the president or even the high court, once and for all resolve if we will allow open-pit mining or not”, dagdag ni Dominguez.