^

Bansa

SC pinakikilos sa TRO vs impeachment

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Ilang araw bago mag-simula ang Senate impeachment hearing, hinikayat ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) at ilan pang mga abogado ang Korte Suprema na sumunod sa constitutional responsibility na umakto sa mga petitions na itigil muna ang impeachment trials hanggang hindi pa klaro ang legalidad ng proseso.

Naniniwala sina IBP governors Jose Cabrera at Denis Habawel na res-ponsibilidad ng SC na kumilos sa mga kaso ng kumukuwestiyon sa legalidad na maipa-im-peach si SC Chief Justice Renato Corona.          

Sa kabila nito, nakikita naman ng mga abogadong sina Alan Paguia at Homobono Adaza na ang apela ng IBP sa SC ay pawang sa bibig lamang para sa pangangailangan na maprotektahan ang kalayaan ng Hudikatura.

Sa ginanap na Balitaan sa Serye Cafe, sinermunan nina Paguia at Adaza ang IBP dahil sa kabiguan nitong mamuno na harangin ang Kongreso sa pagsusulong ng impeachment trial.

Sina Paguia at Adaza ay magkabukod na naghain ng petition kung saan hinihiling ng mga ito na magpalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang High Tribunal upang pigilan ang Senado sa impeachment proceeding dahil sa “constitutional imperfections” ng article of impeachment.

Himutok pa ni Paguia, karamihan ng mga abogado sa bansa ay hindi kuntento sa posisyon ng IBP na mag-isyu lamang ng statement na batikusin ang hakbang ng 188 kongresista na nagmamadali para sa impeachment process upang mapatalsik sa puwesto si Corona.

Paliwanag pa ng abo-gado, alam naman ng IBP na nilalabag ng Kamara ang konstitusyon ng amyendahan ng mga ito ang rules on verification at pagdetermina sa authenticity ng impeachment com-plaint na malinaw umanong nakasaad sa 1987 charter.

Ayon naman kay Ha- ba-wel, sinimulan lang ni-lang kuwestiyunin ang cons-titutionality ng impeachment proceedings matapos ang konsultasyon sa may 89 IBP governors at sa mga law deans sa buong bansa.

ADAZA

ALAN PAGUIA

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DENIS HABAWEL

HIGH TRIBUNAL

HOMOBONO ADAZA

IBP

IMPEACHMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with