^

Bansa

Terror alert nationwide na

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Itinaas na rin kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang terror alert sa buong bansa kaugnay ng seryosong banta ng terorismo.

“Our sustained heightened alertness and vigilance will continue not only in the NCR but in the whole Philippines,” pahayag ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr. kasabay ng panawagan sa mga mamamayan na maging vigilante at makipagtulungan sa mga awtoridad.

Seryoso umano ang planong pambobomba ng nasa 6-9 mga teroristang kanilang tinutugis partikular na ang mga bomb expert ng Abu Sayyaf Group na nagpapalipat-lipat ng safehouse sa Metro Manila at karatig lugar.

Sinabi ni Burgos na magpapatuloy ang kanilang security operations katuwang ang PNP at iba pang ahensya sa pamamagitan ng pagpapalitan ng intelligence information, monitoring upang mabigyang proteksyon ang mga pangunahing instalasyon ng gobyerno at ang mamamayan.

Una nang binulgar ni Pangulong Aquino ang planong pambobomba ng Abu Sayyaf sa pista ng Black Nazarene sa Quiapo pero nasilat ito.

Kabilang sa mga hinahanting ang bomb expert ng Abu na si Jamil Sali, isang alyas Sheik ng Rajah Sulayman Movement (RSM) at Monasier Ali ng MILF-Special Operations Group.

Nangako naman si PNP chief Gen. Nicanor Bartolome na ibabalik sa normal ang sitwasyon ng ‘peace and order’ sa Metro Manila na binubulabog ng terror threat.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARNULFO MARCELO BURGOS JR.

BLACK NAZARENE

JAMIL SALI

METRO MANILA

MONASIER ALI

NICANOR BARTOLOME

PANGULONG AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with