Pagrarasyon ng gasoline pinangangambahan
MANILA, Philippines - Malaki ang posibilidad na magsagawa nga ng pagrarasyon sa suplay ng petrolyo ang Department of Energy (DOE) sa oras na humantong na sa “worst case scenario” ang sigalot sa Gitnang Silangan kung itutuloy ng bansang Iran ang pagsasara sa Strait of Hormuz na daanan ng mga tanker ng langis.
Nilinaw ni Energy Undersecretary Jose Layug na hindi pa naman agad na maipatutupad ito dahil sa may sapat pang suplay ang bansa ng langis kung saan inaasahan nila na matatapos agad ang gusot sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.
Sinabi ni Layug na 80% ng suplay ng langis sa bansa ay nanggagaling sa Gitnang Silangan. Inatasan na umano nila ang mga kumpanya ng langis na magpanatili ng 30 araw na imbentaryo sa kanilang langis na isasailalim sa “refinery”.
- Latest
- Trending