^

Bansa

Mosyon sa contempt ng grupo ni Tupas inihain sa Senado

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Inihain kahapon sa Senado na tumatayong impeachment court ng isang Atty. Fernando Perito ang 6-pahinang mosyon na humihiling na i-contempt ang mga House prosecutors sa pangunguna ni Congressman  Neil Tupas kaugnay sa paglalabas nila sa media ng ilang ebidensiyang gagamitin laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Perito, bilang miyembro ng Integrated Bar of the Philippines, nairita siya sa iresponsa­bleng inasal ng mga mi­yembro at lead counsel ng prosekusyon sa impeachment case ni Corona.

Pinuna rin ni Perito ang pagkauhaw umano ng grupo ng prosekusyon sa media exposures.

“It is to movant’s dismay coupled with outrage and indignation that this bunch of prosecutors called the Honorable Gentlemen and Representatives of the people who are lawyers would be conspiring with impunity in their relentless thirst for media exposures to demoralize their prey, the Chief Justice,” nakasaad sa mosyon ni Perito.

Nakasaad din sa mos­yon na dapat pigilin ng impeachment court ang mga house prosecutors sa paglason sa isipan ng publiko.

Sinabi pa ng petitioner na paborito umanong “punching bag” ni Tupas si Corona kaya inilabas nito ang mga hawak na ebidensiya kahit hindi pa nagsisimula ang impeachment trial.

AYON

CHIEF JUSTICE

FERNANDO PERITO

HONORABLE GENTLEMEN AND REPRESENTATIVES

INIHAIN

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

NAKASAAD

NEIL TUPAS

PERITO

SUPREME COURT CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with