^

Bansa

Media killings pinatututukan kay PNoy

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Kailangan bumuo na ng independent crack team si PNoy para lutasin ang pagpatay sa mga mamamahayag.

Sinabi nina Eastern Samar Rep. Ben Evardone at Negros Occidental Rep. Albee Benitez hindi dapat biruin ang nangyayaring pagpatay sa mga media practitioner kaya dapat itong tutukan dahil marami na sa kanila ang nabibiktima katulad sa ginawang pagbaril ng riding in tandem kay Christopher Guarin, publisher ng isang community newspaper sa Genaral Santos City, kamakalawa.

“We are proposing that the Aquino government creates an independent crack team of investigators and prosecutors from the private sector that investigate all cases of killings of journalists. We are making this proposal as we condemn the latest killing of another journalist in Mindanao,” sabi ni Evardone.

Sinabi ni Evardone, kung hindi malulutas ng pamahalaan ang nangyayaring pagpatay sa mga media practitioner ay hindi maalis sa isipan ng mga banyaga na ang Pilipinas ay isang mapanganib na lugar para sa mga mamamahayag.

Si Guarin ay walang awang pinagbabaril ng ri­ding in tandem sa harapan mismo ng kanyang asawa at anak kamakalawa ng gabi. Nagtamo ito ng tama ng bala sa ulo.  

ALBEE BENITEZ

AQUINO

BEN EVARDONE

CHRISTOPHER GUARIN

EASTERN SAMAR REP

EVARDONE

GENARAL SANTOS CITY

KAILANGAN

NEGROS OCCIDENTAL REP

SI GUARIN

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with