MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pagkabahala kahapon ang Association of General and Flag Officers Inc. (AGFO) hinggil sa ‘exploitation ‘ ng kaso laban kay ret. Army Major General Jovito Palparan at tatlo pang Army personnel na isinasangkot sa kasong kidnapping ng dalawang UP students noong 2006.
Sinabi ng AGFO na hindi makakabuti sa AFP ang implikasyon ng kaso ni Palparan na bagaman hindi pa napapatunayang guilty ng korte ay pinalilitaw ng ‘serial murderer’ o berdugo at kung tutuusin aniya ay biktima ito ng ‘trial by publicity’.
Nitong Martes ay nagpalabas na ang Department of Interior and Local Government (DILG) - Philippine National Police (PNP) ng P500,000.00 reward laban kay Palparan.
Ayon sa AGFO marapat lamang na bigyan ng pantay na pagtrato ng batas si Palparan base sa mga ebidensya at hindi bunga lamang ng espekulasyon lalo pa at sinakyan na ng komunistang New People’s Army (NPA) ang isyu.