Binata nagbigti sa selos

QUEZON, Nueva Ecija, Philippines  -- Hindi na magagawang makapagdiwang pa ng Pasko ang isang maglive-in-partner makaraang magpatiwakal ang 24-an­yos na lalaki nang magselos ito nang matindi sa lover umano ng kinakasamang 20-anyos na dalaga sa kanilang bahay sa Barangay Ilog Baliwag ng bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang nag-suicide na si Tirso Escario y Tamayo, 24, binata, isang house helper at residente ng nasabing lugar.

Na­batid na alas-10:40 ng umaga, nadiskubre ni Jesusa Simplina y Salvador, 20, live-in partner ni Escario, ang wala nang buhay ng biktima na naka­bitin sa kisame ng bahay.

Sinabi ni Simplina na nagkaroon sila ng matin­ding pagtatalo ng kanyang kinakasama ukol umano sa pinagseselosan nitong ibang lalaki.

Ayon umano sa biktima ay magpapakamatay ito kung hindi umano titi­gil si Simplina sa pakiki­pagrelasyon nito sa ibang lalaki. Hindi na binanggit ang pangalan ng lalaking iyon sa ulat ng pulisya.

Show comments