^

Bansa

Malakas magpatugtog, obrero tinarakan ng kapitbahay

- Ni Christina Timbang -

CAVITE, Philippines  -- Agaw buhay ngayon sa ospital ang isang obrero matapos tarakan ito sa dibidb makaraang mairita ang kapitbahay dahil sa sobrang lakas magpatugtog ng radio sa Barangay FVR, General Mariano Alvarez, Cavite, kahapon ng madaling araw.

Sa nakuhang impormasyon sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Sr. Supt. Jhon Bulalacao, ang biktima ay nakilalang si Tomas Gan, 39, construction worker at residente ng Phase 3 Block 6 Lot 8 Barangay Family Village Resources nasabing bayan.

Mabilis namang naka­takas ang suspek na naki­l­ala lamang sa alyas Bata, 20 anyos, tinapa ven­­dor at kapitbahay ng biktima.

Batay sa imbestigas­yon ni PO1 Bobbie Ba­lazo, may hawak ng kaso, alas-2 ng madaling araw ng ma­gulantang sa pagkakatulog ang suspek ng marinig ang malakas na pagpapatugtog ng biktima.

Galit na galit itong lu­mabas ng bahay at si­na­bihan ang biktima na hinaan ang radyo nito su­ balit nagalit din ang biktima at nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

Lingid sa kaalaman ng biktima ay may dalang patalim ang suspek at inundayan ito ng saksak sa dibdib bago mabilis na tumakbo papalayo sa lugar ng pinangyarihan tangay ang kutsilyong ginamit.

AGAW

BARANGAY FAMILY VILLAGE RESOURCES

BATA

BATAY

BOBBIE BA

CAVITE PROVINCIAL DIRECTOR SR. SUPT

GENERAL MARIANO ALVAREZ

JHON BULALACAO

SHY

TOMAS GAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with