Turismo 'di naapektuhan ni Sendong

MANILA, Philippines - Hindi naapektuhan ang turismo sa bansa sa pana­nalasa ni bagyong Sendong sa Visayas at Mindanao.

Sinabi ni Tourism Sec. Ramon Jimenez na bagama’t hindi pangkara­niwan at kakaibang sakuna ang naranasan ng Cagayan de Oro City, Iligan City, Dumaguete at Pa­lawan sanhi ng bagyong Sendong at ilang lalawigan sa Northern Luzon sanhi naman ng pag-ulan ay hindi naman lubos na naapektuhan ang pagdagsa ng turista sa bansa.

Wika ni Jimenez, na­natiling bukas pa rin ang mga airport at sea port sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Aniya, inaasahan din ng DOT na lalampas sa ka­nilang target na 3.7 mil­yong ang turista sa taong 2011 habang ang kanilang target na tourist arrivals naman sa 2012 ay nasa 4.2 milyon.

Show comments