P1-M bayad sa pumirma sa impeachment vs Corona
MANILA, Philippines - Binatikos ng isang mambabatas ang pamimigay umano ng tig-P1 milyon ni Pangulong Aquno sa mga kongresistang pumirma sa impeachment complaint laban kay Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.
Sinabi ni Anad party list Rep. Pastor Alcover na inamin sa kanya ng kanyang mga kasamahan sa Kamara na nakatanggap sila ng isang milyong piso mula sa Pangulo matapos na pumirma sa impeachment complaint kahit na hindi pa ito nababasa ng karamihang mambabatas.
Giit ni Alcover, kahiya-hiya umano ang kanyang mga kasamahang kongresista na pumirma sa nasabing impeachment dahil lamang sa katwiran ng mga ito na gusto nilang bigyan ng regalo ang kanilang mga constituents.
Paliwanag pa ng kongresista, binigyan pa umano ng victory party ni Aquino ang 188 pro-impeachment congressmen sa Shangrila Makati habang milyon-milyong Filipino ang naghihirap.
Inakusahan din ni Alcover si Buget Secretary Butch Abad na naglabas ng P800 milyon mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa distrito nito sa Batanes gayung ang botante lamang nito ay 10,000
Mariin namang pinabulaanan ni House Speaker Feliciano Belmonte at Eastern Samar Rep. Ben Evardone ang akusasyon ni Alcover.
- Latest
- Trending