Pagdiriwang ng Pasko gawing matipid
MANILA, Philippines - Hinimok ni Caloocan 2nd district Rep. Mitch Cajayon ang publiko na gawing simple at matipid ang pagdiriwang ng Pasko kasunod ng malagim na trahedyang dulot ng bagyong Sendong.
Nakiusap rin si Cajayon sa pribado at pampublikong sektor na kanselahin ang kanilang “Christmas parties” bilang pakikiramay sa mga biktima ng bagyo na sinasabing pinakamalubha sa kasaysayan ng Lungsod ng Cagayan de Oro at Lungsod ng Iligan.
Hinimok rin niya na ibigay na lamang sa Red Cross at iba pang mga relief organizations ang pambili ng mga paputok para sa bagong taon.
Naniniwala ang kongresista na ang hindi pagdiriwang ng marangyang kapaskuhan ay isang maliit na sakripisyo na pwede nating gawin para sa mga biktima ng bagyong Sendong.
- Latest
- Trending