MANILA, Philippines - Tumaas na sa 25,000 ang kaso ng dengue sa Metro Manila ngayong taon.
Ayon kay Center for Health Development-Metro Manila (CHD-MM) Regional Director Eduardo Janairo, mula Enero 1 hanggang Nobyembre 10, 2011 ay nakapagtala na sila ng 24,898 kaso ng dengue sa Metro Manila kung saan 136 ang kumpirmadong namatay.
Mas mataas ito ng 11 porsiyento kumpara sa 22,492 noong 2010. Mga lalaki naman ang karamihan na tinamaan ng naturang sakit.
Kabilang sa 10 lungsod na nakapagtala ng pinakaraming kaso ay ang Quezon City, Manila, Caloocan, Valenzuela, Pasig, Parañaque, Malabon, Taguig, Pasay City at Muntinlupa.
Noong buwan ng Hulyo hanggang Setyembre ang pinakamaraming bilang ng sakit na naitala.