Palparan tugis na ng PNP
MANILA, Philippines - Bumuo na kahapon ang Philippine National Police (PNP) ng 13 tracker teams upang tugisin si Partylist Representative at dating Major Gen. Jovito Palparan kasunod ng inisyung warrant of arrest ng korte ng Bulacan kaugnay sa misteryosong pagkawala ng dalawang UP students noong Hunyo 2006.
Sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kasong kidnapping with illegal detention laban kay Palparan.
Bukod kay Palparan ay nasa warrant of arrest rin na inisyu ng Malolos Regional Trial Court Branch 14 sina Lt. Col. Felipe Anotado, Master Sergeant Edgardo Osorio at Master Sergeant Rizal Hilario.
Ang dalawang UP students na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan na umano’y mga na-recruit ng NPA ay nawala sa Central Luzon noong si Palparan pa ang kasalukuyang commander ng Army’s 7th Infantry Division.
Samantala, ilang oras matapos magpalabas ng arrest warrant ay sumuko na sina Anotado at Osorio.
- Latest
- Trending