^

Bansa

Parusa sa nakikipag-sex sa patay aprub na sa Senado

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Aprub na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong patawan ng parusa ang sinumang mahuhuling nakikipag-sex sa patay o tinatawag na “necrophilia”.

Ang panukala na nakapaloob sa committee report No. 87 na ipinalabas ng Senate Committees on Justice and Human Rights na pinamumunuan ni Sen. Francis Escudero at sa Constitutional Amendments, Revision of  Codes and Laws ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ay layong maamiyendahan ang Revised Penal Code upang maisama sa Article 335 ang batas tungkol sa necrophilia na ginagawa umano ng isang taong nakikipag-sex sa patay.

“Necrophilia is committed by a person who engages in sexual acts with a corpse. For purpose of this article, sexual acts shall mean engaging in sexual intercourse, anal and/or oral sex,” nakasaad sa panukala.

Sa sandaling maging ganap na batas, sinumang mapapatunayang nagkasala ay papatawan ng multang P100,000 hanggang P500,000 at reclusion temporal hanggang reclusion perpetua o habang buhay na pagka­bilanggo.

Ang pinakamabigat na parusa ay ipapataw kung nasa pangangalaga ng akusado ang bangkay na pinagsamantalahan nito.

APRUB

BATAS

CODES AND LAWS

CONSTITUTIONAL AMENDMENTS

FRANCIS ESCUDERO

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

REVISED PENAL CODE

SENADO

SENATE COMMITTEES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with