^

Bansa

Abalos kalaboso!

-

MANILA, Philippines - Ikinalaboso na si dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos Sr. matapos isuko ang sarili kahapon sa Pasay Police Station kaugnay ng “warrant of arrest” na ipinalabas ng Pasay City Regional Trial Court sa dalawang kasong “electoral sabotage” na kinakaharap nito.

Bandang 5:15 ng ha­pon kahapon nang ilabas sa Pasay-Station Investigation and Detection Management section si Abalos kasama ang napakaraming police escort patungo sa Southern Polide District.

Sa “detetion facility” na orihinal na inihanda para kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo inaasahan naman na ikukulong si Abalos.

Una rito, alas-10 ng umaga nang magpalabas ng warrant of arrest si Pasay RTC branch 112 Judge Jesus Mupas para sa pag-aresto kay Abalos.

Dumating si Abalos kasama ang buong pamilya bago mag-alas-11 ng tanghali sa Pasay RTC bago agad na idiniretso sa Pasay Police-Station Investigation and Detective Management Section kung saan ito kinunan ng kanyang “mugshot at fingerprints.”  Isang doktor at nurse rin ang dumating buhat sa Pasay City General Hospital upang isailalim sa medical check-up ang matandang Abalos bilang bahagi ng kanilang procedure.

Agad namang nagsampa ng “urgent petition for fixed bail at motion for house arrest” ang mga abogado ni Abalos sa korte kung saan sinasabing diringgin pa ito ni Judge Mupas sa darating na Biyernes. (Danilo Garcia/Mer Layson) 

ABALOS

CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS SR.

DANILO GARCIA

JUDGE JESUS MUPAS

JUDGE MUPAS

MER LAYSON

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PASAY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY REGIONAL TRIAL COURT

PASAY POLICE STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with