PNoy nakapili na ng kapalit ni Gen. Oban

MANILA, Philippines - Mayroon ng napili si Pangulong Aquino na papalit sa magreretirong si AFP chief of staff Gen. Eduardo Oban.

Sinabi ng Pangulo na sa Lunes niya ihahayag ang papalit kay Gen. Oban na nakatakdang magretiro sa darating na Dis. 13.

Kahapon nagsagawa ng farewell visits si Oban sa tropa ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig City at sa iba pang major service commands na kinabibila­ngan ng Philippine Air Force at Philippine Navy.

Si Oban ay produkto ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1979.

Sa kaniyang ilang araw na nalalabi sa serbisyo, personal na pinasalamatan ni Oban ang tropa ng Army at tinagubilinan ang mga sundalo na ipagpatuloy ang Internal Peace Security Plan (IPSP) Bayanihan para sa ikatatamo ng kapayapaan. (Rudy Andal/Joy Cantos)

Show comments