Joint Task Force Zambo-Basilan itinatag
MANILA, Philippines - Dahil sa patuloy na kidnapping-for-ransom na kinasasangkutan ng mga bandidong Abu Sayyaf Group, itinatag kahapon ng mga awtoridad ang Joint Task Force Zamboanga –Basilan (ZAMBAS).
Ayon kay Army’s regional spokesman Lt. Col. Randolph Cabangbang ang Joint Task Force ZamBas ay minobilisa sa Isabela City, Basilan sa simpleng seremonya na dinaluhan nina Basilan Gov.Jum Akbar, Isabela City Mayor Cherrylyn Akbar at Zamboanga City Mayor Celso Lobregat.
Itinalaga naman bilang hepe si Police Director Felicisimo Khu, director of the Integrated Police Operations-Western Mindanao sa Joint Task Force Zambas at magsisilbing deputy nito si Brig. Gen. Gerardo Layug, deputy commander ng AFP –Westcom.
Sinabi ni Cabangbang na nakakasagabal sa operasyon ng security forces sa pagtugis laban sa grupo ng mga kidnaper ang kawalan ng coordinating body dahil may kani-kaniyang hurisdiksyon ang bawat unit ng pulisya at militar.
- Latest
- Trending