^

Bansa

Rebulto ni Lapu-Lapu aalisin sa Rizal Park

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Pabor  ang National Parks Development Committee na alisin  ang rebulto ni Lapu-Lapu sa Rizal Park sa Maynila.

Sa ginanap na Balitaan sa Tinapayan, sinabi ni Juliet Villegas na dapat lamang na alisin ang rebulto ni Lapu-Lapu at sa halip ay dalhin sa Cebu.

Aniya, wala silang nakikitang kaugnayan ni Lapu-Lapu sa Rizal Park. Ang kinatatayuan ni Lapu-Lapu ay dating skating rink.

Nabatid na ang rebulto ni Lapu-Lapu ay ipinatayo ni Senador Richard Gordon.

Samantala, tiniyak naman ni Villegas na ligtas nang mamasyal sa Rizal Park dahil dinagdagan nila ang mga guwardiyang rumoronda gayundin ang ilaw.

Sinabi ni Villegas na pinutol nila ang mga sanga ng mga puno na nagiging balakid at humaharang sa liwanag ng mga ilaw sa paligid ng park.

Aniya, pangunahing layunin ng NPDC ang kaligtasan at kalinisan ng lugar.

vuukle comment

ANIYA

DEVELOPMENT COMMITTEE

JULIET VILLEGAS

LAPU

LAPU-LAPU

NATIONAL PARKS

RIZAL PARK

SENADOR RICHARD GORDON

VILLEGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with