MANILA, Philippines - Kinalampag ni Senator Koko Pimentel ang Commission on Elections upang pormal ng sampahan ng kaso si dating Comelec Chairman Benjamin Abalos dahil sa electoral sabotage na kinakaharap din ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Congw. Gloria Macapagal-Arroyo.
Nais din ni Pimentel na ipaliwanag ng Comelec kung bakit hindi sinasampahan ng kaso si Abalos kaugnay sa nangyaring malawakang dayaan noong 2007 senatorial elections.
Maraming testigo na umano ang lumutang na nagtuturo kay Abalos bilang mastermind sa dagdag-bawas noong 2007 elections kung saan naging pang-13 si Pimentel.
Dapat aniyang masampahan ng kaso si Abalos na itinuturing na “big fish” sa dayaan.
“I urge Comelec Chairman Sixto Brillantes to expedite the filing of charges against Abalos as he was among the suspected big fish that orchestrated the rigging of the results of the 2007 senatorial elections,” pahayag ni Pimentel.
Inasahan na umano ang paulit-ulit na pagde-deny ni Abalos pero dumarami na ang mga lumulutang na testigo na nagtuturo sa kaniya.