^

Bansa

6 Chinese huli sa illegal fishing sa West Phl Sea

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sa gitna na rin ng tensyon sa pinag-aagawang Spratly Island sa West Philippine Sea, anim na ma­ngingisdang­ Intsik ang naaresto ng mga awto­ridad sa karagatan malapit dito. 

Base sa ulat ni AFP-Westcom Commander Major Gen. Juancho Sabban, dakong alas-10:15 kamakalawa ng masakote ng nagpapatrulyang mga elemento ng Philippine Navy na lulan ng Patrol Ship 36 ang bangkang pangisda ng mga Intsik.

Nasakote ang lima pero nakatalon sa dagat ang isa pa habang aarestuhin ng mga tauhan ng Navy.

Hindi naman natukoy ni Sabban ang pangalan ng mga naaresto dahil hindi ang mga ito marunong magsalita ng English at kailangan pa ng interpreter.

Nasamsam mula sa mga ito ang 12 buhay na pawikan at iba pang mga yamang dagat.

Sa follow-up operation dakong alas-11:30 kaha­ pon ay nasakote naman ng Balabac Police ang kasamahan ng mga ito na tumalon sa dagat.

Itinurnover na sa kustodya ng Balabac Police ang mga nasakoteng Intsik para sa kaukulang doku­men­tasyon at pagsasampa ng kasong kriminal.

BALABAC POLICE

INTSIK

ITINURNOVER

JUANCHO SABBAN

PATROL SHIP

PHILIPPINE NAVY

SPRATLY ISLAND

WEST PHILIPPINE SEA

WESTCOM COMMANDER MAJOR G

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with