^

Bansa

Singil sa text P.80 sentimos na lang

-

MANILA, Philippines - Ibinaba na ng mga kumpanya sa telekomunikasyon ang singil sa bawat text message o short messaging service (SMS) sa P.80 sentimos na lamang buhat sa karaniwang singil na P1 kada text.

Ito ang inihayag ng National Telecommunication Commission (NTC) kung saan inaasahang ipinatupad na ito ng mga nangungunang telecommunications company tulad ng Smart Communications, Globe Telecom at Sun Cellular.

Sinabi ni NTC deputy commissioner Delilah Deles na nagpadala na sa kanila ng liham ang naturang mga kumpanya na ibababa nila ang kanilang SMS access charge epek­tibo kahapon, Nobyembre 30.

Ito’y makaraang mag-isyu ng memorandum circular kamakailan ang NTC sa mga telecom companies na ibaba ang “maximum interconnection charge” sa SMS sa pagitan ng dalawang networks mula P.35 hanggang P.15 sentimos. 

Nakasaad rin dito na dapat magbigay ang mga network providers ng maayos at mabilis na “inter-connection links o circuits” upang matiyak na 99% ng mga text messages ay maipapadala sa destinasyon nito sa loob lamang ng 30 segundo.

Matatandaan na nagpalabas rin ngayong buwan ng Nobyembre ang NTC ng memorandum circular sa mga network providers na huwag putulin ang serbisyo ng kanilang “unlimited calls and texts” sa buong buwan ng Dis­yembre kabilang na ang mismong araw at gabi ng Pasko at Bagong Taon.

Ang Pilipinas ay kilala bilang text capital sa buong mundo. (Danilo Garcia/Angie dela Cruz)

ANG PILIPINAS

BAGONG TAON

DANILO GARCIA

DELILAH DELES

GLOBE TELECOM

NATIONAL TELECOMMUNICATION COMMISSION

NOBYEMBRE

SMART COMMUNICATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with