^

Bansa

Leakage sa 2011 Bar exam itinanggi

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Mariing itinanggi ng Korte Suprema na mayroong leakage sa 2011 Bar examinations.

Ayon kay Supreme Court spokesman at Court Administrator Jose Midas Marquez, tsismis lang ang lumalabas na balitang nagkaroon ng leakage sa multiple choice question sa 2011 Bar exams na ginagawa ngayon sa University of Santo Tomas (UST). 

Ayon kay Marquez, taun-taon na lamang umano ay may mga balitang nagkakaroon ng dayaan sa Bar exams subalit wala naman daw basehan ang mga ito. 

Una nang lumabas sa isang artikulo na iniwan umano ang leakage sa isa sa mga examination room sa UST bago magsimula ang exam noong November 6. 

Lumabas umano ang mga naturang leak questions noong Nobyembre 6 at Nobyembre 20.

Ayon pa sa report, isang Jess Mundo, na umano’y examiner sa 2011 Bar exams ang source ng leakage.

Ipinaliwanag ni Marquez na maaring si Sandiganbayan Justice Alex Gesmundo ang tinutukoy sa report subalit hindi totoo na isa ito sa mga examiner.

AYON

COURT ADMINISTRATOR JOSE MIDAS MARQUEZ

JESS MUNDO

KORTE SUPREMA

MARQUEZ

NOBYEMBRE

SANDIGANBAYAN JUSTICE ALEX GESMUNDO

SUPREME COURT

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with