^

Bansa

1st Riders Summit gaganapin sa Caloocan

-

MANILA, Philippines -  Pangungunahan ni Caloocan City Mayor Enrico­ “Recom” Echiverri ang kauna-unahang “Riders Summit” na gaganapin sa lungsod ngayong Huwebes (November 24) na layuning maturuan ang mga gumagamit ng motorsiklo na maging ligtas sa kanilang pagmamaneho.

Ayon kay Echiverri, dakong alas-6 ng gabi ay pormal na sisimulan ang 1st Riders Summit sa Glorietta Park, Tala, Caloocan City na tatagal ng dalawang araw at magtatapos sa Biyernes (November 25).

Layunin ng Riders Summit ng maturuan ang mga gumagamit ng motorsiklo ng tamang kortesiya at pamamaraan sa pagmamaneho sa mga pangunahing kalsada nang sa gayon ay maiwasan ang anumang sakuna.

Kabilang sa mga aasahang dadalo sa naturang summit ang iba’t-ibang samahan ng mga gumagamit ng motorsiklo sa bawat sulok ng Metro Manila at mga karatig lalawigan partikular na ang mga residente ng lungsod na nagmomotor sa kanilang pagbiyahe.

Sinabi pa ni Echiverri na napapanahon ang pagkakaroon ng summit na ito dahil maraming insidente ang nagaganap sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila na kinasasangkutan ng mga motorsiklo.

AYON

BIYERNES

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

ECHIVERRI

GLORIETTA PARK

HUWEBES

METRO MANILA

RIDERS SUMMIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with