^

Bansa

Kabayanihan ng Subic volunteers kinilala

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines -  Kinikilala ngayon (Nobyembre 24) ng lungsod ng Olongapo ang sa­kripisyo at kabaya­­ni­hang ipinakita ng mga Subic Freeport volunteers 19 taon mula ng lisanin ng mga Amerikano ang base militar nila rito.

Ang paggunita ay pa­ngungunahan nina Mayor James “Bong” Gordon, Jr. at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman Roberto Reyes para sa pasasalamat sa Volunteers’ Shrine sa Subic Bay Freeport kung saan nakaukit ang mga pangalan ng may 8,000 volunteers na matiyagang nagbantay at nangalaga sa mga pasilidad na iniwan ng mga Amerikano.

Sabi ni Mayor Gordon, hindi matatawa­ran ang na­ging kontribusyon ng mga residente at dating base workers­ sa matagumpay na transpormasyon ng Subic bilang panguna­hing free port sa bansa.

Aniya, hinangaan sa buong mundo ang sakri­pisyo at malasakit ng mga ito sa kanilang bayan at pinatunayan na kayang tumayo ng mga Pilipino sa sarili nilang paa matapos na ibasura ng Senado­ ang bases treaty sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos na nagbunsod ng US bases pullout nuong 1992.

Nagpursige ang mga volunteers sa pamumuno ni dating Senador Richard Gordon upang maisabatas ang pag-develop sa Subic bilang isang Freeport at sila’y nagta­gumpay ng ipinasa ng Kongreso ang Republic Act 7227 o Bases Conversion Law.

AMERIKANO

BASES CONVERSION LAW

CHAIRMAN ROBERTO REYES

ESTADOS UNIDOS

MAYOR GORDON

MAYOR JAMES

REPUBLIC ACT

SENADOR RICHARD GORDON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with