160,000 pamilya naalis sa PPP program ng DSWD
MANILA, Philippines - Umaabot sa 160,000 pamilya ang natanggal sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino program ng Department of Social Welfare and Development dahil sa maling data, pandaraya, multiple entries at hindi pagdalo sa mga community assembly at paglipat sa ibang lugar.
Sa ginanap na National Forum on Conditional Cash Transfer implementation sa Quezon City, sinabi ni DSWD Secretary Dinky Soliman na sa ngayon ay nasa 2.3 milyong pamilya ang nakikinabang sa nasabing programa. Target aniya ng kanilang tanggapan na madagdagan ito ng1.3 milyong pamilya bago matapos ang taong ito. Aabot na sa P 9.6 bilyong pondo ang nailabas ng pamahalaan para sa cash grants.
Matatandaang noong 2008 unang inilunsad ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang conditional cash transfer program para makaagapay sa pang araw-araw na pamumuhay ang mga mahihirap na pamilyang Pilipino.
- Latest
- Trending