^

Bansa

Ex-FG madidiin --- Ombudsman

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines -  Tiniyak ng fact-finding panel mula sa Office of the Ombudsman na madidiin ng husto sa kaso si da­ting First Gentleman Mike Arroyo dahil mabigat ang kanilang mga ebidensiya hinggil sa anomalya sa pagbili ng helicopter ng Philippine National Police (PNP)

Ayon kay Edgardo Diansuy, Media Affairs Bureau director ng Ombudsman, inaprubahan na ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang 98-page investigation report na nagrerekomenda na magsagawa ng preliminary investigation at administrative adju­di­cation hinggil sa umano’y anomalya sa pagbili ng PNP ng dalawang light operation police helicopters.

Pinag-isa na rin anya ng fact finding team ang da­lawang magkahiwalay na kasong plunder at graft na inihain ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong Sept. 2, 2011 at ng mga Senador na sina Teofisto Guingona, Panfilo Lacson at Koko Pimentel­ nung Oct. 13, 2011.

Sabit din sa kaso sina dating DILG secretary Ronaldo­ Puno at retired PNP chief Jesus Versoza.

Ang second-hand helicopters ay nagkakahalaga ng P62.6 milyon na binili bilang bago ng PNP noong 2009.

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

EDGARDO DIANSUY

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

JESUS VERSOZA

KOKO PIMENTEL

MEDIA AFFAIRS BUREAU

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO MORALES

PANFILO LACSON

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

TEOFISTO GUINGONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with