Ex-FG, 7 pa inalis na sa watchlist

MANILA, Philippines - Inalis na ng Department of Justice (DOJ) sa watchlist order ng Bureau of Immigration si dating First Gentleman Mike Arroyo at pitong iba pa kaugnay ng umano’y pagkakasangkot sa dayaan sa 2007 elections.

Bukod kay Arroyo, makakabiyahe na rin sina  dating Justice Secretary Alberto Agra, Bong Serrano, Andrei Von Tagum, dating political adviser Gabby Claudio, Rommy Dayday, Jeremy Javier, at isang nagngangalang Butch.

Ayon sa fact-finding committee, wala silang nakitang sapat na ebidensiya na nagsasangkot kay Mike Arroyo kaugnay ng electoral sabotage complaint.

Gayunman sinabi naman ni Justice Secretary Leila de Lima na inatasan niya ang prosecutors na pag-aralan pang mabuti ang posibleng partisipasyon nito sa dayaan.

Show comments