CGMA hindi dapat ipahiya sa publiko - Lacson
MANILA, Philippines - Tutol si Sen. Panfilo Lacson na ilabas pa sa publiko ang mga mugshots ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo lalo pa’t kung ang layunin lamang nito ay ang ipahiya ang dating presidente.
Ayon kay Sen. Lacson hindi na dapat pang i-humiliate si Arroyo lalo na sa kasalukuyan nitong kalagayan.
“Not necessary. Wala akong makitang purpose sa pagsasapubliko ng mugshots except to humiliate Mrs. Arroyo,” sabi ni Lacson.
Wika pa ni Lacson, maliwanag naman na may sakit si Arroyo kaya hindi na ito dapat pang ilagay sa kahihiyan.
Samantala, sinabi naman ni PCOO Sec. Herminio Coloma na nasa kamay na ng hukuman ang pagpapasya kung dapat o hindi na ilabas ang mugshot ng dating lider. (Malou Escudero/Rudy Andal)
- Latest
- Trending