^

Bansa

De Lima lulusot sa contempt

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Mayroong lusot si Justice Sec. Leila de Lima sa contempt case na isinampa sa kanya dahil hindi naman nakumpleto ng kampo ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo ang requirement na hinihingi ng Korte Suprema nang tangkain nilang umalis noong Martes.

Sinabi ni House De­puty Speaker Erin Tañada na hindi pa nasusunod ng kampo ni Arroyo ang tatlong kondisyon para makalabas ng bansa ang dating Pangulo.

Sa desisyon ng SC kamakalawa, sinabi nito na dapat gawing pormal ni Arroyo ang pagtatalaga sa kanyang legal representative.

Ang iba pang kondis­yon ay ang P2 milyong travel bond at ang pagpunta nila sa Philippine embassy kung saang bansa sila tutungo.

Hindi pinayagan ng Bureau of Immigration si Arroyo at ang kanyang mister na si dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo nang pumunta ito sa airport noong Martes.

Nang tanungin kung maaaring mayroong pananagutan si SC court administrator Midas Marquez dahil sa paggiit na maaaring makalabas si Arroyo nang hindi inaalam kung nakumpleto na ang requirements, sinabi ni Tañada na “maybe.”

BUREAU OF IMMIGRATION

FIRST GENTLEMAN JOSE MIGUEL ARROYO

GLORIA ARROYO

HOUSE DE

JUSTICE SEC

KORTE SUPREMA

MIDAS MARQUEZ

PAMPANGA REP

PANGULO

SPEAKER ERIN TA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with