^

Bansa

Constitutional crisis nakaamba

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon ang ilang senador sa nakaambang constitutional crisis dahil sa hindi pagsunod ng Department of Justice sa temporary restraining order (TRO) na ipinalabas ng Supreme Court laban sa watchlist order kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Sen. Francis “Chiz” Escudero, bagaman at hindi nakaka­tulong ang “confrontational approach” ng kampo ng mga Arroyo, dapat pa ring sundin ng DOJ ang batas at ang Konstitus­yon upang maiwasan ang isang constitutional crisis.

“The Department of Justice (DOJ) should stick to the law and warned that its continued defiance of the Supreme Court order that effectively allowed former President Gloria Macapagal-Arroyo to seek medical treatment abroad could trigger a constitutional crisis,” sabi ni Escudero.

Kung patuloy umanong hindi ipatutupad ng DOJ ang desisyon ng SC ay magkakaroon ng dahilan ang kampo ni Arroyo para humingi ng political asylum sa ibang bansa.

Mistula rin umanong tini-test ni de Lima ang limitasyon ng kaniyang kapangyarihan lalo pa’t sinabi nito na hindi siya takot na ma-contempt ng SC.

Maging si Sen. Miriam Defensor-Santiago ay naniniwala na nakaamba ang isang constitutional crisis kung patuloy na hindi susundin ng DOJ ang desisyon ng SC.

Ayon kay Santiago, sa sandaling magpalabas ng TRO ang Kataas-taasang Hukuman, dapat kaagad itong ipatupad at hindi maaaring pigilan ng motion for reconsideration.

Sinabi naman ni Senate Majority Floor Leader Vicente “Tito” Sotto III na dapat ikonsidera na ni Justice Secretary Leila de Lima na magsagawa ng “overhaul” sa kaniyang mga legal advisers.

Patuloy umanong inilalagay ng DOJ ang kasalukuyang administrasyon sa malaking kahihiyan.

AYON

CHIZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

JUSTICE SECRETARY LEILA

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SENATE MAJORITY FLOOR LEADER VICENTE

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with