Minahan sa Zambales 'pinasok', chromite hinakot
MANILA, Philippines - Sinimulan na ng provincial government ng Zambales na pasukin ang minahan sa Sitio Coto, Brgy. Taltal matapos na magpadala ng pitong dump truck na hahakot sa mga nakuhang chromite.
Kasama si Zambales provincial director Col. Francis Santiago ng mga naturang truck na sinasabing inupahan ng city government nang magtungo Tower 8 chromite stockpile.
Ayon kay Santiago, inaprubahan ng provincial mining regulatory board ang mga dokumento ng pitong dump truck para maghakot ng chromite sa tulong umano ni Zambales Governor Hermogenes Edbane.
Sa una ay bigo ang pitong dump truck na makapasok sa chromite stockpile dahil sa nakaharang na 35 tonner cline sa daanan at mga nakabarang isang malaking dump truck sa itaas ng tower 8.
Pero, tinanggal ni Col. Santiago ang steel barricade sa daan sa kilometer 22, saka ang mga guwardiya ng consolidated mining corporation o CMI at giniba ang mga tent o outpost, na naging daan para sa kanilang pag-abante sa chromite stockpile.
Sinasabing walang ipinakitang dokumento ang contractor ng dump truck na si Eduardo Gonzales na magiging basehan para maging legal ang pagtungo nila sa chromite stockpile.
Una nang iginiit ni Col. Santiago na pag-aari na ng provincial government ang chromite stockpile dahil hindi na-renew ang kontrata ng CMI matapos ang 40 taon .
Kinondena naman ng CMI management ang pahayag ni Col. Santiago kung saan iginiit nito na may hawak silang dokumento mula sa Mines and Geoscience Bureau ng Dept. of Environment and Natural Resources.
- Latest
- Trending