KWF pinuri ni PNoy

MANILA, Philippines - Pinuri ni Pangulong Benigno Aquino III ang Komis­yon sa Wikang Filipino (KWF) sa paglilimbag nito ng diksiyonaryong sentinyal ng Wikang Filipino na inilunsad sa ika-75 na anibersaryo ng komisyon.

Nagpasalamat din si Pangulong Aquino kay ACT Partylist Rep. Antonio Tinio sa paglalaan ng pondo para malimbag ang nasabing diksiyonaryo.

Sinabi ni Aquino sa kanyang mensahe, kapansin-pansin na binigyang halaga ang lahat ng wikang umiiral sa buong bansa mula Batanes hanggang Jolo.

Aniya, nagpasalamat din ito kay KWF chairman Jose Laderas Santos at bumubuo ng komisyon sa pagtataguyod ng Wikang Filipino bilang tunay na Wikang Panlahat.

Kahapon ay isinagawa din ang unveiling ng marker ng KWF sa harap ng tanggapan nito sa Watson Bldg., Malacañang, Manila.

Show comments