^

Bansa

Dole-out sa mga rebelde walang idudulot na mabuti - bishops

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Wala umanong maitutulong sa peace process at adhikain na makamit ang tunay na kapayapaan sa pagbibigay ng pamahalaang Aquino ng dole-out sa mga rebelde.

Ayon kay Iligan Bishop Elenito Galido, hindi umano makakatulong sa magkabilang panig ang dole-out ng gobyerno dahil mistula nitong binibili ang kapayapaan at kapag pera na ang pinag-usapan ay wala itong accountability.

Sinabi naman ni Cotabato Auxiliary Bishop Jose Collin Bagaforo na mistulang bribery at extortion ang pagbibigay ng administrasyong Aquino ng P5 milyong dole-out sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at P31 milyong piso sa Alex Bongcayao Brigade (ABB).

Pinuna din ni Bishop Bagaforo ang kawalan ng transparency ng administrasyong Aquino sa sinasabing dole-out sa mga rebeldeng grupo.

Giit naman ni Caritas Manila Executive Director Rev.Fr. Anton CT Pascual, kung nais ng pamahalaan na tulungan ang mga rebeldeng nagbabalik-loob sa gobyerno ay bigyan sila ng trabaho at mapagkakakitaan na panghabang buhay nilang mapapakinabangan.

Ikinalungkot din nito ang kawalan ng transparency at accountability ang pamahalaan sa kasunduan nito.

Ayon naman kay Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso, bilang mga mamamayan at taxpayer, obligasyon ng pamahalaan na ipaalam sa publiko kung ano ang kanilang pinag-usapan lalo na sa usapin ng financial assistance.

ALEX BONGCAYAO BRIGADE

AQUINO

AYON

BISHOP BAGAFORO

CARITAS MANILA EXECUTIVE DIRECTOR REV

COTABATO AUXILIARY BISHOP JOSE COLLIN BAGAFORO

ILIGAN BISHOP ELENITO GALIDO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

TAGBILARAN BISHOP LEONARDO MEDROSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with