PNoy humarap sa YouTube
MANILA, Philippines - Humarap kahapon sa YouTube interview si Pangulong Benigno Aquino III bilang bahagi ng world view series.
Si Pangulong Aquino ang kauna-unahang Asian president na nainterbyu ng nasabing social networking site.
Kabilang sa mga world leaders na na-interview na sa YouTube ay sina US Pres. Barack Obama at British Prime Minister David Cameron.
Sa 45-minutong panayam, sinagot ng Pangulo ang mga katanungan mula sa iba’t-ibang YouTube users sa buong mundo.
Ilan sa mga issues na tinanong ang posisyon ng Pangulo hinggil sa rebelyon sa Mindanao, Spratlys, NAIA I, disaster preparedness, pollution, extra-judicial killings, Freedom of Information Bill, Reproductive Health Bill, food security at Christmas wish na tinanong ng isang pitong taong gulang na batang lalaki.
- Latest
- Trending