2011 Bar exam sa UST gagawin
MANILA, Philippines - Tiniyak ng tagapamahala ng University of Sto. Tomas na plantsado na ang clearing operation sa bisinidad ng pamantasan, ang lugar na pagdarausan ng 2011 Bar Examination.
Ayon kay Supreme Court Bar Confidant and Deputy Clerk of Court Atty. Ma. Cristina Layusa, halos plantsado na ang venue preparation, lalo’t sa darating na Nobyembre 6, 2011 na ang unang araw ng eksaminasyon.
Nabatid na aabot sa 6,200 law graduates mula sa iba’t ibang paaralan ang kukuha ng Bar examinations ngayong taon, kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay multiple choice questions ang magiging format ng pagsusulit.
Mananatili namang bukas sa daloy ng trapiko ang mga lansangang malapit sa UST upang huwag makaabala sa mga motorista.
Gayunman, mananatili ang presensya ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at ilang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) para matiyak ang seguridad ng mga kukuha ng Bar exam at upang huwag nang maulit ang nangyari noong Setyembre 26, 2010 Bar exam blast.
- Latest
- Trending