Population policy ng Phl, suriin - DOH
MANILA, Philippines - Kasunod ng pagsilang ng tinaguriang “world’s seven billionth baby”, kailangan na ang masusing pag-aaral hinggil sa population policy ng pamahalaan.
Ito naman ang binigyan diin ni Health Sec. Enrique Ona kung saan sinabi nito na hindi na umano biro para sa gobyerno ang report ng United Nations’ Population Fund (UNFPA) na kumikilala sa Pilipinas bilang isa sa “most populous country” sa buong mundo. Nabatid na umaabot na sa 94.9 milyon ang bilang ng mga Pinoy.
Batay nga sa rekomendasyon ng UNFPA, mahalaga umanong maturuan na ang mga Pinoy tungkol sa tamang pagbuo ng pamilya at iba pang sexual issues.
Kamakalawa ng gabi, isinilang sa Jose Fabella Memorial Hospital sa lungsod ng Maynila ang 2.5 kilos (5.5 pound) na si Danica May Camacho, ang isa sa mga world’s symbolic “seven billionth” babies.
Maliban sa mga opisyal ng DoH, kasama ring nag-abang sa paglabas ni Baby Danica ay ang mga kinatawan mula sa United Nations at ang 12-anyos na si Lorrize Mae Guevarra, ang kinikilala namang world’s symbolic six billionth baby noong taong 1999.
- Latest
- Trending