^

Bansa

P.5M reward money alok ni Bong

- Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Nakahandang magbigay ng kalahating mil­yon (P500,000) na reward money si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa sinumang makakapagturo sa pumatay sa kanyang kapatid sa ama na si Ram Revilla.

Ayon kay Revilla, ang gagawin lamang ng impormante ay makipag-ugna­yan sa Philippine National Police at magbigay ng ma­linaw na impormasyon upang mahuli ang mga suspek.

Inihayag din ng Senador na hindi titigil ang kanilang pamilya hangga’t hindi nabibigyan ng hustisya ang kaniyang kapatid.  

Nauna rito, umapela si Revilla sa Philippine National Police na gawin ang lahat ng magagawa upang mahuli ang mga pumaslang kay  Ram.

“I am appealing to the Philippine National Police, particularly to the Parañaque Police, to exert all legal efforts to unmask immediately the culprits and mastermind behind the murder of my brother Ram,” sabi ni Revilla.

Mariin ding kinondena ng senador ang pagpatay sa kaniyang kapatid na kahit ano pa umano ang motibo ng suspek ay hindi naman dapat humantong sa nasabing krimen.

“Wala akong nalalaman na kaaway ng kapatid ko. Wala siyang galit kahit kanino. Tumutulong pa nga siya sa iba sa pamamagitan ng paglahok sa mga charitable works. Sa batang edad niya na puno ng pangarap, sa isang iglap naglaho ang lahat,” sabi ni Revilla.

Umaasa silang makakamit ng kaniyang kapatid ang hustisya sa lalong madaling panahon.

vuukle comment

AYON

INIHAYAG

MARIIN

NAKAHANDANG

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RAM REVILLA

REVILLA

REVILLA JR.

SENATOR RAMON

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with