^

Bansa

AFP umiskor, kampo ni Waning nakubkob na!

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Bumagsak na sa tropang gobyerno ang kampo ng wanted sa batas na si Moro Islamic Liberation Front (MILF) lawless group Commander Waning Abdusalam sa bayan ng Payao, Zamboanga Sibugay kahapon ng hapon.

Ito ang kinumpirma ni Army Chief Lt. Gen. Arturo Ortiz  matapos na maokupa na ng tropa ng Scout Ran­ger Company ang pinagkukutaan ni Abdusalam at ng may 80-100 nitong mga tauhan sa Sitio Talaib, Brgy. Labatan, Payao. 

“ As of this time, the main camp of the enemy was occupied by our troops,” ani Ortiz kung saan nagsasagawa na ng clearing operation upang marekober ang mga nagkalat pang mga bangkay sa lugar.

Kasalukuyan ring ni­rerekober ng mga sundalo ang mga landmines at iba pang uri ng mga eksplosibo na naiwan ng grupo ni Abdusalam.

Sa panig naman ni AFP Western Mindanao Command Spokesman Lt. Col Randolph Cabangbang, napilitan ang lawless group na abandonahin ang 45 defense line ng mga ito bunga ng isinagawang air at ground strike operations ng pinagsanib na elemento ng militar at pulisya umpisa nitong Lunes.

“ Hindi pa natin alam kung nandun pa sa area si Waning, nagsisimula ng dumilim ang paligid at patuloy pa ang clearing operation ng ating tropa sa mga bangkay na posibleng nagkalat sa kagubatan,” ani Cabangbang. 

Sa nasabing air strike at ground operations sa bayan ng Brgy. Labatan, Payao ay nasa 16 lawless elements ang napaslang at tinatayang 40 o higit pa ang sugatan habang sa tropa ng militar ay dalawa ang nasawi habang apat naman ang sugatan.

ABDUSALAM

ARMY CHIEF LT

ARTURO ORTIZ

BRGY

COL RANDOLPH CABANGBANG

COMMANDER WANING ABDUSALAM

LABATAN

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PAYAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with