^

Bansa

Pinoy nag-drawing ng 'dirty finger', kulong sa Saudi!

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines -  Dahil sa ginawang ‘dirty finger’ illustration, isang 32-anyos na Pinoy ang inaresto at ikinulong sa Saudi Arabia.

Sa tinanggap na report ni Eric Jocson, chairperson ng Kapatiran sa Gitnang Silangan, nahaharap sa kasong paglabag sa “custo­mary prohibition” ang Pinoy na itinago sa pangalang Willie, tubong Laguna at nagtatrabaho bilang factory worker sa Riyadh. Siya ay ikinulong noong Oktubre 14 sa Azizia Police station matapos na ireport at ipaaresto ng kanyang supervisor sa Mutawa o religious police.

Nahuli umano ng kanyang supervisor si Willie na may hawak na papel kung saan naka-drawing ang ‘dirty finger’ na may ‘offensive meaning’ para sa lahat ng makakakita. 

Agad siyang sinita ng kanyang bisor at tiningnan ang nilalaman ng papel hanggang sa itanggi ng nasabing OFW na para sa kanyang boss ang nasabing dirty finger sketch.

Nauna rito, nagkaroon umano ang argumentas­yon ang nasabing Pinoy at kanyang supervisor nang magreklamo ang una dahil sa desisyon ng huli na ilipat siya sa ibang job site.

Bunsod nito, hiniling ni John Leonard Monterona, regional coordinator ng Migrante-Middle East sa Embahada ng Pilipinas sa Riyadh na mabigyan ng assistance ang nasabing  OFW.

Sinabi ni Monterona na iko-konsulta nila sa isang Shariah lawyer kung ang nasabing drawing ay labag sa customary prohibition.

Naniniwala ang Migrante-ME na ang nararamdamang pagkadismaya sa kanyang supervisor ang nagbunsod upang mag-drawing ito ng dirty finger.

AZIZIA POLICE

BUNSOD

DAHIL

ERIC JOCSON

GITNANG SILANGAN

JOHN LEONARD MONTERONA

MIGRANTE-MIDDLE EAST

PINOY

RIYADH

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with