Balasahan sa Gabinete

MANILA, Philippines - Itinanggi ng Palasyo na mayroong magaganap na ‘cabinet revamp’ upang mailuklok bilang kalihim ng DILG si Sen. Panfilo Lacson.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang inaabiso si Pangulong Aquino na magsasagawa ito ng balasahan sa kanyang Gabinete.

Maging sa hanay ng communications group ay wala ring napipintong revamp dahil patuloy pa rin ang tiwala ng Pangulo sa kanyang communications group na pinamumunuan ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr.

Umugong ang tsismis na si Lacson ang ipapalit ni Pangulong Aquino kay DILG Sec. Jesse Robredo. Magtatapos ang termino ni Lacson sa 2013.

Show comments