On-line Filipino dictionary, database ilulunsad ng KWF

MANILA, Philippines - Nakatakdang ilunsad sa kauna-unahang pagkakataon ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang dictionary database at on-line dictionary.

Sinabi ni KWF chairman Jose Laderas Santos, ilulunsad muna ng komisyon ang dictionary database sa Nov. 11 kasabay ng pagdiriwang ng ika-75

taong anibersaryo ng KWF.

Ang Database ay magsisilbing permanenteng imbakan ng mga nalikom na korpus ng Pilipinas na paglalagakan ng mga monolingguwal, bilingguwal

at multilingguwal na diksiyonaryo, tesauro, en­cyclopedia, glosaryo, siyentipikong bokabularyo at mga katulad na leksikograpikong materyales.

Show comments