NAIA worst airport
MANILA, Philippines - Totoong luma na ang Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 dahil may 30 taon na ang nasabing paliparan kaya naman nabatikos itong number 1 ‘worst airport’ sa buong mundo base na rin sa mga komento ng mga travelers.
Sinabi ng mga airport insiders, kung gagawin pa ang terminal 1 ay malaking gastos ang gugugulin ng gobyerno dahil mga luma na ang mga kagamitan dito kaya naman kapag malakas ang ulan ay halos nagbabaha sa 4th floor ng paliparan at tumutulo rin ang tubig ulan sa departure at sa arrival area.
Marami na rin naging problema ang NAIA 1, tulad ng pagkawala ng tubig sa mga kubeta kaya naman naging mabaho ito pero ginawan naman ito ng paraan ng MIAA management para makumpuni.
Wala ring mga silya na dapat maupuan ng mga pasahero habang nasa airline check-in counter at naghihintay ng kanilang flight dahil ipinagbawal ito noon dahil sa seguridad.
Nabutasan ang sinasabing mga palpak sa airport ng lumabas ito sa isang website.
Aminado naman ang Malacañang na may kakulangan kaya nalagay sa worst airport sa buong mundo ang NAIA. Planong ilipat sa Clark, Pampanga ang NAIA subalit matatagalan pa umano dahil pag-aaralan pa itong mabuti.
Bukod sa NAIA 1, may 10 worst airports pa sa buong mundo ito ay ang: Paris Beauvais sa France, Keflavik International Airport sa Iceland, Bergamo-Orio al Serio Airport sa Italy, KievInternational Airport sa Ukraine, Frankfurt-Hahn Airport sa Germany, London Luton Airport sa United Kingdom, Pisa Airport sa Italy, Paris CDG Airport sa France at Los Angeles International Airport sa United States.
- Latest
- Trending