^

Bansa

Gamitin ang ODA para sa mahihirap - Kamara

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Itutulak ni Ang Kasangga Rep. Teodorico T. Haresco ang pinansyal na tulong ng gobyerno kahit sa mga tinaguriang “moderate poor” o may katamtamang mahihirap na pamilya kaparis ng mga kumikita ng US$2 hanggang US$5 o hindi hihigit sa P300 kada araw.

Inihalimbawa ni Haresco, ang mga magsasaka, mangingisda, at maliliit na negosyante na kasama sa mga naapektuhan ng mga bagyong tumama sa bansa.

Sinabi ni Haresco na kailangan gamitin ang Overseas Development Assistance (ODA) para matulungan ng gobyerno ang mga mahihirap na mamamayan.

Sinabi ng kongresista na nababahala siya sa pag­lala ng climate change at ang epekto nito ay higit na titindi sa mga susunod na taon.

“It is cyclical and linear in its devastation. It’s time to come to grips with reality. The extreme rainfall that we refer diminutively to as La Niña (the Girl), because of the scale of damage this brings about, should be called La bruha (the Witch); the severe drought and equally damaging effects of El Niño (the Boy) should be called el kapre (the ogre) just to emphasize that extreme weather can truly devastate the country,” ani Haresco.

ANG KASANGGA REP

EL NI

HARESCO

INIHALIMBAWA

ITUTULAK

LA NI

OVERSEAS DEVELOPMENT ASSISTANCE

SINABI

TEODORICO T

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with