^

Bansa

Price freeze ipinatupad ng DTI

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Ipinatupad kahapon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang “price freeze” sa lahat ng pangunahing bili­hin sa mga lugar na nasa “state of calamity” upang proteksyunan ang publiko sa pagsasamantala ng mga negosyante.

Sinabi ni DTI Under­secretary Zenaida Mag­laya na ito ang naging resulta ng pulong nila kahapon sa mga supermarket owners kasama ang Department of Ag­riculture ukol sa sitwasyon ng mga lugar na matinding tinamaan ng bagyong Pedring at Quiel.

Nangangahulugan umano ang “price freeze” na hihinto ang halaga ng panguna­hing bilihin sa “ceiling” na itinakda ng DTI base sa “suggested retail price”.

Kasama sa mga pa­ngunahing bilihin ang bigas, baboy, manok, isda, gulay, asukal, man­ tika, gatas, mga de-lata, sabong panligo at panlaba, kandila, tinapay, at uling. Hindi naman kasama dito ang mga “bottled water” na hindi pa umano naisasama ng Kongreso sa Price Act.

Mahigpit umano ang ginagawang pagbabantay rin ng DTI katuwang ang DA at mga lokal na pamahalaan sa imbentaryo ng suplay sa mga lugar na nasa kalamidad na umano’y tatagal pa ng isa hanggang da­lawang linggo.  Titiyakin rin umano ng DTI na magdidire-diretso ang daloy ng suplay ng pagkain at ibang produkto upang hindi maapek­tuhan ang kalagayan ng mga mamamayan.

DEPARTMENT OF AG

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

IPINATUPAD

KASAMA

KONGRESO

PRICE ACT

SHY

ZENAIDA MAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with