Brillantes lusot na sa CA

MANILA, Philippines - Nakalusot na kaha­pon sa makapangyarihang Commission on Appointments si Commission on Elections (Comelec) chairman Sixto Brillantes Jr. sa kabila ng naging oposisyon ni Senator Alan Peter Ca­yetano at pagharang ni dating Comelec law department head Ferdinand Rafanan.

Tinangkang harangin ni Rafanan ang nominasyon ni Brillantes dahil sa akusasyon ng katiwalian pero hindi kinatigan ng CA committee on constitutional commission and offices ang mga alegasyon ni Rafanan lalo pa’t hindi umano kapani-paniwala ang mga ito.

Tanging si Cayetano lamang ang nag-abstain sa isinagawang botohan dahilan upang tuluyang makumpirma si Brillantes.

Nangako naman si Brillantes na magbibitiw siya sa tungkulin kapag hindi nagampanan ang kaniyang trabaho sa Comelec.

Binigyan ni Brillantes ng isang taon ang kaniyang sarili upang magpatupad ng reporma sa Comelec.

Matatandaan na ilang beses naunsiyami ang kumpirmasyon ni Brillantes dahil sa pagtutol ni Cayetano.

Bukod kay Brillantes, lusot na rin sa CA si Grace Pulido-Tan, bilang head ng Commission on Audit.

Show comments